Dagdag singil sa tubig, ipapataw ngayong buwan

Manila, Philippines – Epektibo na ngayong buwan ang dagdag singil sa tubig ng dalawang concessionaire matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon sa MWSS, nasa P0.64 per cubic meter ang inaprubahang rate increase para sa Manila Water habang P1.48 per cubic meter para sa Maynilad.

Ang naturang adjustment sa singil sa tubig ay bunga ng inflation rate o bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.


Ayon kay Jeric Seviila, tagapagsalita ng Manila Water, ibinase ng MWSS ang pag-apruba sa dagdag-singil sa 5.7 porsiyentong inflation rate noong Hulyo 2018.

Facebook Comments