Dagdag-singil sa tubig ngayong Hunyo, ipinagpaliban

43

Ipinagpaliban ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil sa tubig sa Hunyo.

Ito ay dulot ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) o ang epekto ng palitan ng piso.


Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, nasa P0.18 kada cubic meter ang dagdag-singil na ipinagpaliban para sa Manila Water, habang P0.03 kada cubic meter naman para sa Maynilad, ayon sa MWSS Regulatory Office.

Pero dahil “deferred” lang ang dagdag-singil, ipapasa pa rin ito sa huling quarter ng taon o sa Oktubre.

Facebook Comments

From Advertisers