Dagdag Sinovac at AstraZeneca vaccine, darating sa bansa bukas

49

Nakatakdang dumating sa bansa bukas ang dagdag pang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine habang 2 milyong doses naman ng AstraZeneca vaccine mula sa Covax Facility ang posibleng mai-deliver sa bansa sa Sabado ng hapon.

Inihayag ito ni Senator Christopher “Bong” Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health.


Binanggit ni Go na ayon kay Vaccine Czar Secretary Galvez, patuloy ang pagdating ng mga bakunang inaasahan natin sa susunod na linggo at buwan.

Ayon kay Go, malaking tulong ito lalo na ang AstraZeneca dahil marami sa ating mga medical frontliners, senior citizens at ang may comorbidities ang nabigyan na ng first dose at naghihintay na lang na maturukan ng kanilang second dose.

Kaugnay sa tuloy-tuloy na roll-out ng COVID-19 vaccination program ay nakiusap si Go na sundin ang priority list, walang magpapa-importante, walang magpapa-VIP, dahil lahat naman ay nangangailangan ng mabakunahan.

Facebook Comments