Dagdag toll sa SCTEX, ipinatupad na

Ipinatupad na ang dagdag na 51 centavos kada kilometro sa toll ng Subic Clark Tarlac Expressway o SCTEX.

Ang class 3 vehicles o malalaking truck na bibiyahe mula Mabalacat, Pampanga patungong Tarlac na dating 312 pesos ay magiging 372 pesos na.

Ang class 2 vehicles o mga bus at maliliit na truck ay nasa 248 pesos mula sa dating 208 pesos.


Sa class 1 vehicles o kotse, sa dating 104 pesos ay naging 124 na.

Sa mga dadaan naman mula Mabalacat hanggang Tipo sa Subic, 600 pesos na sa class 3, 400 pesos kapag class 2, 200 pesos naman sa class 1.

Babala naman ni Aduana Business Club Truckers President Abraham Rebao – posibleng ipasa sa konsumer ang mga dagdag gastusin.

Giit naman ni Toll Regulatory Board spokesperson Bert Suansing – maliit ang dagdag singil kung iko-compute base sa mga naibabiyahe nila.

Kaya wala aniyang dahilan para magtaas ng kargamento.

Depensa pa ng TRB, 2011 pa ang petisyong inaprubahan at matagal na itong napag-usapan.

Facebook Comments