DAGDAG TRABAHO | Apple Inc., magtatayo ng 2nd campus sa Texas

Plano ng Apple Inc. na magtayo ng ikalawang campus nito sa Austin, Texas.

Handa ang tech giant company na gumastos ng isang bilyong dolyar o higit 50 bilyong piso para rito.

Layunin nito na makapagbigay pa ng 15,000 na trabaho.


Plano rin ng Apple na mag-expand sa Seattle, San Diego at Culver City, California at mag-alok ng dagdag na trabaho at oportunidad sa Pittsburgh, New York at Boulder, Colorado sa loob ng tatlong taon.

Ang Apple Inc. ay kilala sa paggawa ng mga mobile devices tulad ng iPhone, iPad at macbook.

Facebook Comments