DAGSA | Mga bakasyunistang nagsipag-uwian sa kani-kanilang probinsya nitong undas, nagsimula nang dumagsa pabalik ng Metro Manila

Manila, Philippines – Nagsimula nang dumagsa pabalik ng Metro Manila ang mga nagbakasyon nitong undas.

Kahapon pa lang, libu-libong mga bakasyunista na ang dumating sa iba’t ibang mga bus terminal sa Cubao, Pasay, Maynila at Quezon City mula sa inuwian nilang mga probinsya.

Inaasahan na hanggang ngayong araw, magtutuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga bakasyunista para makahabol sa balik-trabaho bukas.


Samantala, nakapagtala naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit sa 40,000 mga outbound passengers mula sa mga pantalan sa buong bansa.

Facebook Comments