Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kaayusan at katiwasayan ng mga debotong Katoliko na inaasahang dadagsa sa bayan ngayong Semana Santa.
Ayon sa alkalde ng Manaoag, sisiguraduhin ng LGU ang kaligtasan ng mga lokal na residente at mga bisitang magtutungo sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Inaasahan umano na mas marami ang debotong darating ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, kung saan umabot sa halos dalawang milyon ang dumalo.
Bilang paghahanda, nagtalaga na ang pamahalaang bayan ng mga karagdagang parking area para sa mga pribadong sasakyan upang mabawasan ang trapiko sa paligid ng simbahan, lalo na sa mga araw ng Mahal na Araw.
Para naman sa seguridad at kalusugan ng mga deboto, maglalagay rin ng mga medical assistance booth sa tulong ng Red Cross – Pangasinan Chapter. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨