Nanguna sa nakaranas ng mataas na heat index sa buong rehiyon uno ang lungsod ng Dagupan nitong unang araw ng Marso.
Ramdam ng ilang komyuter at mga motorista ang init ng panahon na umabot sa extreme caution level o 38°C sa naturang lungsod.
Sinundan naman ito ng Bacnotan, La Union kung saan nakaranas ng 37°C, 36°C sa Batac, Ilocos Norte, 34°C sa Laoag City, Ilocos Norte, at 33°C sa Sinait, Ilocos Sur.
Kahapon umakyat pa sa 39 degree Celsius ang heat index sa probinsya.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang unti-unti nang mararanasan ang dry season sa unang linggo ng Marso.
Ngayong araw sa pagtataya ng PAGASA maaaring makaranas ng 40 degree Celsius na heat index na nasa Extreme Caution Level.
Nagpaalala naman ang awtoridad na ugaliing magdala ng panangga sa init upang malaman ang iba’t-ibang sakit Gaya ng Heat stroke at iba pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨