Friday, May 8, 2026

DAGUPAN CITY SUMMER SPORTS CAMP 2026, BUKAS NA PARA SA MGA KABATAAN

Inaanyayahan ang mga kabataang residente ng Dagupan City na lumahok sa Summer Sports Camp 2026, isang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng pisikal na kakayahan, disiplina, at malusog na pamumuhay.

Gaganapin ang Summer Camp mula Mayo 4 hanggang Mayo 25, 2026, at bukas para sa mga edad 7 hanggang 17 taong gulang. Tampok sa programa ang iba’t ibang larangan ng palakasan tulad ng swimming, taekwondo, arnis, boxing, lawn tennis, gymnastics, wrestling, wushu, table tennis, chess, athletics, at football.

Layunin ng inisyatibo na hubugin ang “healthy mind, healthy body” sa pamamagitan ng regular na pagsasanay at aktibong pakikilahok sa sports.

Para makapag-enroll, kinakailangang sundin ang ilang simpleng hakbang. Una, punan ang registration form at waiver. Pagkatapos, ihanda at isumite ang mga kinakailangang dokumento tulad ng barangay residency, birth certificate, school ID, at 2×2 na litrato.

Hinihikayat ang mga magulang at kabataan na samantalahin ang pagkakataong ito upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at magkaroon ng makabuluhang aktibidad ngayong tag-init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments