DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG 190 MOBILITY AIDS MULA SA PCSO PARA SA PWDS AT SENIORS

Nakatanggap ang lungsod ng Dagupan ng kabuuang 190 mobility assistance devices mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens, at iba pang nangangailangan sa lungsod.

Kabilang sa mga ibinigay na kagamitan ang 50 wheelchair, 20 walking canes, 20 walkers, at 100 ChariTimba o charity bucket units.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target bitong maibsan ang hirap ng mga benepisyaryo sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na sa aspeto ng mobility, kaligtasan, at kalayaan sa pagkilos.

Binigyang diin rin, na ang bawat wheelchair, cane, at walker ay layong bigyan ng maayos na kalidad ng buhay para sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments