DAHIL LAMANG SA SELOS, LALAKI NAGBIGTI, PATAY

INFANTA, PANGASINAN – Nakasabit sa kisame at wala ng buhay ang isang bente singko anyos na lalaki nang matagpuan ito ng kanyang kinakasama sa Sitio Vallarta, barangay Nayom, bayan ng Infanta.

Ayon sa naging imbestigasyon ng Infanta PNP, nakasabit na ang katawan ng lalaki gamit ang nylon cord na nakatali sa kanyang leeg sa bahagi ng kusina ng kanilang bahay.

Bago pa mangyari ang insidente, nagkaroon pa ng inuman sa isang birthday party ang mag-live in. Umuwi naman ang dalawa at ang lalaki umano ay nagselos sa isang lesbian.


Nagsagawa naman ang rural health office ng post mortem examination sa katawan nito.

Facebook Comments