DAHIL SA ALAK | Lalaki, kulong matapos magnakaw

22

Quezon City – Kalaboso ang isang 38-anyos na lalaki matapos magtangkang magpuslit ng alak sa isang supermarket sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Sa ulat, nagpanggap na customer ang suspek na si Eric Belen ng Taytay, Rizal saka dinampot ang dalawang bote ng alak (fundador 1.75l) na halos P2,000 ang halaga at isinilid sa dalang sling bag.
Malas lang ng suspek at nakita siya ng checker in charge ng establisyimento binantayan ito hanggang sa lumabas at hinid nagbayad sa kahera.
Agad hinarang ng mga empleyado ng supermarket ang suspek at nakuha sa kaniya ang mga bote ng alak na ninakaw.
Nahaharap sa kasong theft / shoplifting ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa QCPD station 7.

Facebook Comments