DAHIL SA ALAK | Lalaki na pumatay sa sarili nitong kapatid, arestado sa Samar

11

Samar – Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki matapos itong maaresto makaraang patayin ang sariling kapatid sa Paranas, Samar.

Kinilala ang suspek na si Edito Cabangunay, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, napatay ng suspek ang hindi na pinangalanang kapatid matapos itong magwala ng malasing.

Todo hingi naman ng tawad ang suspek at sinabing hindi niya sinasadya ang mga pangyayari dahil nakainom lamang daw siya ng alak.

Facebook Comments