DAHIL SA AMOY | Babuyan sa Baseco Compound Port Area Manila, sinalakay

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Pasig River Rehabilitation Center ang mga babuyan sa Baseco Compound Port Area Manila.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goita noong December 5 pa nila inisyal na giniba ang mga babuyan dahil sa reklamo ng mga residente sa masangsang na amoy mula sa dumi ng baboy.

Paliwanag ni Goita na humingi uli ng pabibagong tatlong buwan na palugit pero hindi na nila pinagbibigyan dahil hindi naman sinusunod nito ang kanyang pangako na lilinisin na nito ang kanilang mga dumi.


Giit ng opisyal na pinatunayan lamang na ang responsibilidad ng PRRC ay hindi lamang nakatuon sa pagpapaganda sa Pasig River kundi maging sa Ebvironmental preservation at kalusugan at buhay ng komunidad na apektado ng mababaho at maruruming lugar.

Facebook Comments