Dahil sa baka, motorista nadisgrasya

Kalibo, Aklan – Patuloy ngayon na ginagamot sa hospital ang isang motorista matapos na maaksidente kagabi sa ntional highway ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo dahil sa baka.
Nakilala ang biktima na si Glen Quimpo, 38-anyos at residente ng Carillo Road sa nasabing barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP na papuntang direksyon ng Kalibo ang biktima ng biglang may tumawid na baka at nawalan ito ng kontrol.
Dahil sa dito ay natumba ang biktima sa sinasakyang motorsiklo at nagtamo ng sugat sa noo, gasgas sa iba’t-ibang parte ng katawan at pagkapaso sa hita.
Agad naman itong nirespondehan ng mga taga MDRRMO Kalibo at dinala sa hospital.
Samantala ligtas naman ang baka sa nasabing aksidente.

Facebook Comments