Dahil sa Facebook post, tatlong buwang gulang na sanggol, patay sa Pampanga

Manila, Philippines – Patay ang isang tatlong buwang gulang na sanggol matapos magkapikunan ang kanyang mga magulang dahil sa isang Facebook post sa Pampanga.

Kritikal sa ospital si Jennelyn Ramos matapos buhusan ng gasolina at silaban ng kanyang live-in partner na si Ferdinan Sigmat.

Dito nadamay ang kanilang bunsong anak na agad na binawian ng buhay dahil sa tindi ng sunog sa katawan.


Aminado naman ang suspek sa nagawang krimen pero iginiit nito na tatakutin lang sana niya ang kanyang kinakasama para burahin yung post nito sa FB na sinasabing mukha siyang kabayo.

Nahaharap ang suspek sa kasong two-counts ng frustrated murder.

*

Facebook Comments