DAHIL SA HIRAP | Team leader ng isang platoon ng New People’s Army, sumuko sa militar

Manila, Philippines – Dahil sa nararanasang hirap kaya kusang loob na sumuko sa militar ang team leader platoon ng New People’s Army sa Barangay Upper Suyan Malapatan Saranggani province.

Ayon kay Captain MC Gary Dida ang tagapagsalita ng 1002nd brigade ng 10 Infantry Division ng Philippine Army ang sumuko communista terrorist ay si Simeon Miguel alyas Simpak, 22 anyos, residente ng Brgy Upper Suyan, Malapatan, Sarangani province.

Kasabay na isinuko ni alyas Miguel ang kanyang M16 rifle sa tropa ng 73rd Infantry Batallion.


Nitong nakalipas na Linggo ayon kay Captain Dida sunod sunod ang pagsuko ng mga rebelde sa lugar.

Pagod na aniya ang mga ito dahil sa walang tigil na pursuit operation ng militar laban sa NPA.

Agad na iprinisenta sa lokal na pamahalaan ng Saranggani ang mg sumukong NPA members at ipinasok sa Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan upang mabigyan ng kabuhayan nang muling makapagsimula bilang isang ordinaryong mamamayan.

Facebook Comments