Dahil sa illegal na “ending”, babae arestado

24

Kalibo, Aklan – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Law matapos na mahuli kahapon na nagpapataya ng illegal na “ending” sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan. Ang nasabing babae ay kinilalang si Elvisa Beltran, 46-anyos ng nasabing lugar. Nahuli si Beltran ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit at Kalibo PNP. Nakuha sa kanya ang P860.00 na marked at unmarked money, listahan ng pataya at cellphone. Sa ngayon ay nasa kustodiya muna sya ng Kalibo PNP habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments