Dahil sa illegal na pag transport ng mga troso, 5 katao arestado

23

Nabas, Aklan — Nahaharap ngayon sa kaso ang limang kalalakihan matapos na mahuli ng mga tauhan ng Nabas PNP kagabi na illegal na nagtatransport ng mga troso sa Brgy. Gibon, Nabas, Aklan. Ang mga nahuli ay kinilalang sina Minculado Carpio, Jr., 34 anyos, ng Bulwang, Numancia; Leander Ylanan, 58 anyos; Bob Francisco, 24 anyos; Harvie Jones Ylanan, 33 anyos ng Purok 4, C, Laserna St., Kalibo at Arnel Isuga, 40 anyos ng Brgy Tambuan, Malinao. Sa pag imbestiga ng Nabas PNP na karga ng putting Bongo Mazda ang mga kahoy na nagkakahalaga ng Php 5, 437 na planong ipuslit ng mga ito. Naka takda namang i-turn over sa opisina ng DENR ang mga nakumpeskang troso.


Facebook Comments