DAHIL SA INJURY | Serena Williams, umatras sa laban nila ni Maria Sharapova

Hindi na ipinagpatuloy ni Serena Williams ang nakatakdang fourth-round match niya kay Maria Sharapova sa nagpapatuloy na French Open.

Ayon sa 36-anyos na US tennis star, nagkaroon siya ng injury sa kaniyang kanang pectoral muscle o ang muscle sa pagitan ng kili-kili at balikat.

Agad siyang sasailalim sa CT scan at hindi rin niya tiyak kung makakapaglaro ito sa Wimbledon.


Nanghihinayang naman ang mga fans dahil ito ang muli sanang pagbabalik ng 23-time grand slam winner matapos na manganak noong nakaraang taon.

Facebook Comments