Dahil sa kantang ‘Sayang na Sayang’, mga lalaking nagkakaraoke, nagkabugbugan sa Isabela

60

Manila, Philippines – Inireklamo ang isang lalaki matapos mambugbog dahil sa lang sa isang kanta sa Cauayan City, Isabela.

Kwento ng ni Rogel Custodio, sinundo nito ang kanyang kapatid na si Rodel na nakikipag-inuman sa isang videoke bar.

Kakantahin na sana ni Benjamin Cereso ang awiting ‘Sayang na Sayang’ ng aegis ngunit biglang inagaw ng kanyang kapatid ang mikropono sa kanya at dito na nagsimula ang bugbugan.


Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Cereso kasama ang ilang kaibigan nito na sumama sa panggugulpi sa biktima.

Facebook Comments