Dahil sa kapalpakan na pagtugon kontra COVID-19, dating health minister ng France na si Agnes Buzyn, kinasuhan!

Pormal nang kinasuhan ang dating health minister ng France na si Agnes Buzyn dahil sa umano’y kapalpakan nito sa pagtugon ng COVID-19 crisis sa naturang bansa.

Ayon sa mga imbestigador sa isang special court sa Paris, nakitaan ng sapat na batayan para sampahan ng kaso ang dating health official.

Base sa reklamo kontra Buzyn, nakasaad na inilagay nito sa panganib ang buhay ng maraming mamamayan.


Samantala, iniimbestigahan din sina dating Prime Minister Edouard Philippe at kasalukuyang health minister na si Olivier Veran dahil din sa umano’y sablay sa pagtugon kontra COVID-19.

Facebook Comments