DAHIL SA KATIWALIAN | Sibakan sa pamahalaan walang katapusan – Malacañang

56

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na marami pang sisibakin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.

Ito ang sinabi ni Go matapos sibakin ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Nayong Pilipino Foundation.

Ayon kay Go, walang katapusan ang sibakan sa pamahalaan hanggang mayroong naaamoy si Pangulong Duterte na katiwalian sa mga opisyal.

Pero sinabi ni Go na kailangang dumaan sa proseso at validated na talagang sangkot sa katiwalian ang isang opisyal bago ito sibakin ng Pangulo.

Sinabi pa ni Go na masakit para kay Pangulong Duterte na tanggalin ang kanyang mga itinalaga sa posisyon dahil ang mga ito ang kasama niya sa kampanya at nagpagod hanggang siya ay manalo.

Pero ang sabi aniya ng Pangulo ay interes ng taumbayan ang dapat unahin at hindi ang interes ng iba.

Aminado naman si Go na nalulungkot, frustrated o dismayado na si Pangulong Duterte sa katiwaliang nangyayari sa Pamahalaan kaya hindi matatapos ang sibakan hanggang may katiwalian.

Facebook Comments