Dahil sa “kursunada” leeg ng lalaki, nilaslas ng lasing

22

Makato, Aklan — Sugat sa leeg ang tinamo ng isang lalaki matapos na makursunada ng lasing at nilaslas ang leeg kahapon sa Brgy. Calangcang, Makato, Aklan. Kinilala ang biktimang si Patrick France San Miguel, 19-anyos at residente ng Brgy. Agcawilan, Lezo habang ang suspek ay nakilalang si Joseph Mationg, 30-anyos ng Brgy. Calangcang sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng Makato PNP lumalabas na naghihintay ng tricycle ang biktima ng biglang nilapitan ng suspek at nilaslas ito sa leeg. Ma swerte naman at naitulak ng biktima ang kamay ng suspek kaya hindi ito napuruhan. Dinala naman sa hospital ang biktima para magamot ang sugat. Sa pag follow ng mga kapulisan ay agad na nahuli ang suspek na sa ngayon ay nakapiit na ito sa lock up cell ng Makato PNP at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide ngayong araw.

Facebook Comments