DAHIL SA MATINDING DEPRESYON: MAGSASAKA SA BAYAN NG BANI, NAGBIGTI

BANI, PANGASINAN – Patay ang isang bente otso anyos na magsasaka matapos itong magbigti sa bayan ng Bani.

Ang biktima na nakilalang si Melchor Petalver, residente ng Banug Sur sa nasabing bayan ay nakitang nagbigti sa puno ng manggang malapit sa kanilang bahay.

Mismong asawa at pamilya nito ang nagsabing dumaranas ng matinding depresyon ang biktima na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay habang hindi na rin ipinasailalim sa otopsiya ang katawan nito.


Facebook Comments