Dahil sa nakalimutang ingredient ng spaghetti sauce, lalaki – naging instant milyonaryo

New York City – Dahil sa nakalimutang ingredient ng spaghetti sauce, wagi sa lotto ang isang bartender sa New York City.

Paano?

Kwento ni John Lewis ng Saranac Lake, bago pumasok sa trabaho, dumaan siya saglit sa isang supermarket para bumili ng mushroom na kailangan sa kanyang spaghetti sauce recipe.


Nang makuha ang sukli, naisipan niyang bumili ng “set for life” scratch-off ticket mula sa isang vending machine kung saan napanalunan niya ang top prize na 5-million dollars.

Katumbas lang naman ito ng tumataginting na mahigit 255-million pesos!

Sabi pa ni Lewis, hindi naman talaga siya tumataya sa lotto at na-curious lang siya kung paano gamitin ang machine.

Bukod sa pagtulong sa medical bills ng isa niyang kakilala, wala pang plano si Lewis sa paggagamitan ng pera.

Facebook Comments