DAHIL SA PAG-ULAN | 70 barangay sa Capiz, lubog pa din sa baha

Capiz – Aabot sa 70 Barangay sa Capiz ang nananatiling lubog sa baha dahil pabugso-bugsong pag-ulan bunsod ng tail-end ng cold front.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may ilang kalsada sa bayan ng Sigma ang hindi madaanan dahil sa mataas na lebel ng tubig.
Nasa 50 na pamilya na ang inilikas dahil sa pagbaha at posibilidad na banta ng pagguho ng lupa sa Brgy. Agbatuan, Dumarao.
Patuloy naman ang monitoring ng PDRRMO sa nakitang biyak sa lupa na unti-unting lumalawak sa naturang lugar.

Facebook Comments