Dahil sa pamemeke ng RT-PCR Test para makapasok sa isla ng Boracay, tatlong turista arestado

Kalibo, Aklan — Inaresto ng mga otoridad ang tatlong turista sa kanilang tinutuluyang hotel sa isla ng Boracay matapos na malaman ng Provincial Tourist Validating Office na peke ang kanilang isinumiteng (RT-PCR) test results sa Caticlan Jetty Port kahapon. Sa report kinilala ang mga naaresto na sina Benjamin Pastrana, 64 anyos, Porley Pastrana Chaves 57 anyos, at Luisa Mingi Leal, 55 anyos, parehong galing sa Silang, Cavite. Nalaman na peke ang RT-PCR test ng tatlo matapos na makatanggap ng electronic mail mula sa Research Institute for Tropical Medicine ang Aklan Tourist Validating Team, na ito ay hindi valid. Agad na dinala sa Quarantine Facility sa Kalibo ang tatlo at isinailalim sa swab test at hinihintay na lamang ang resulta. Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 at Article 175 ng Revised Penal Code ang tatlong turista. (Photos Courtesy of PPO 6 FB)

Facebook Comments