DAHIL SA PANGAKO | Mga transport group, nagtatampo kay Senador Grace Poe?

87

Manila, Philippines – Dismayado ang mga transport group kay Senador Grace Poe dahil sa mga binitiwang pangako nito mahigit dalawang taon na ang nakalilipas sa mga transport group.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez kung hindi pa nangyari na nagbanta si PISTON National President George San Mateo na malawakang tigil pasada ay hindi pa umano naalala ng Senadora ang kanilang hanay.

Paliwanag ni Marquez mabuti pa umano ang mga UBER, GRAB at PISTON na ikinukonsidera nilang mga ilegal ay hinaharap at kinakausap ni Poe.

Giit ni Marquez noong 2015 pa umano ay nangako si Poe na kakausapin niya ang mga transport lider upang alamin kung ano ang problema sa kanilang hanay pero hanggang ngayon umano ay hindi pa rin sila naalala ng Senadora.

Mas mabuti pa umano si Senador JV Ejercito ay inimbitahan ang kanilang grupo sa lunes upang alamin kung ano talaga ang tunay na problema sa hanay ng transportasyon.

Facebook Comments