DAHIL SA SELOS | Babae pinagsasaksak nang kanyang ex-boyfriend, patay

143

Antipolo City – Nasawi ang isang dalaga matapos na pagsasaksakin ng kanyang dating kasintahan sa Katarungan Village Barangay Mambugan Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Angel Montevirgen habang ang suspek ay kinilalang si Ronald De Rosario.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Suerintendent Guillermo Eleazar alas 10:30 ng gabi kagabi nang mangyari ang krimen.

Batay aniya sa salaysay ng mga testigo na sina Rex Joseph Puma, at John Ericson Valdez, nakita nilang naguusap ang biktima at suspek hanggang sa bigla na lamang pinagsasaksak ng ilang beses ng suspek ang biktima.

Tumakas agad ang suspek na ngayon ay target ng manhunt operation ng PNP Antipolo.

Naisugod naman agad sa Amang Rodriguez Hospital Marikina City pero idineklang dead on arrival.

Nakitang motibo naman ng pulisya sa krimen ay selos dahil inagaw ng kaibigan suspek ang biktima para maging girlfriend dagdagan pa ang pangangantyaw ng mga kaibigan ng suspek.

Facebook Comments