DAHIL SA SELOS | Love triangle, tinitingnang motibo sa pamamaril ng isang pulis sa kapwa pulis

Taguig City – Selos ang tinitingnang motibo ngayon ng pulisya sa ginawang pamamaril ng isang pulis sa kanyang kapwa pulis sa loob mismo ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City kahapon.

Batay sa salaysay ng suspek na si PO1 Carlos Alberto Aljama – may relasyon ang biktima na si PO1 Mark Carlo Pasamba at kanyang asawa.

Matagal na rin umano niya itong dinadamdam na naging dahilan pa ng kanyang pag a-AWOL sa serbisyo.


Payo ni NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar – huwag ilagay sa kamay ng mga pulis ang batas at komunsulta sa kanilang mga senior officer sakaling may mga problemang may kinalaman sa mga kasamahan.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso si PO1 Aljama na nasa kustodiya na rin ng PNP.

Facebook Comments