Dahil sa selos, misis pinagsasaksak ni mister

155

Caloocan City – Nang dahil sa selos, patay ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kaniyang asawa sa Caloocan City.

Hindi itinanggi ng 29-anyos na si “Jose” na siya ang pumatay sa asawang si “Lyn” sa loob ng kanilang bahay.

Sinubukan ni Jose na kuhanin ang kanilang dalawang anak bago iwanan ang misis, pero hindi ito pumayag kaya’t nauwi sa komosyon hanggang sa mapatay ang biktima.


Sinubukan pang tumakas ng mister pero nahuli rin siya ng mga rumespondeng pulis.

Nabatid na nagtatrabaho si Lyn bilang guwardya sa isang establisimyento sa Divisoria at isang katrabaho ang sinasabing kalaguyo nito.

Facebook Comments