Dahil sa “Tong-Its”, 4 arestado

17

Malay, Aklan – Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law (PD 1602) ang apat na kalalakihang inaresto ng mga pulis matapos maaktuhang naglalaro ng “Tong-Its” sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan kahapon.
Kinilala ang mga naaresto Jordan Alcaraz, 37-anyos, residente ng Brgy. Tigayon, Kalibo; Rico Villadarez, 59-anyos at residente ng Sitio. Kulawin, Brgy. Pudiot, Tangalan; Hamlet Tilar, 49-anyos, residente ng Brgy. Pudiot, Tangalan at Jessie Pelaro Jr., 39-anyos, ng Brgy. Pudiot, Tangalan.
Naaresto ang mga ito habang nagsasagawa ng anti-gambling operation ang mga taga Malay PNP.
Na recover sa lugar ang isang set ng baraha at Php 650.00 pesos na pera.


Facebook Comments