Dahil sa tumawid na aso sa kalsada, motor rider naaksidente at naka-ICU

25

Buruanga, Aklan – Patuloy ngayon na ginagamot sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang isang motor rider matapos na maaksidente dahil sa tumawid na aso sa kalsada sa Buruanga, Aklan kagabi. Ang biktima ay kinilalang si Manuel Prado, 30-anyos at residente ng nasabing lugar. Ayon sa report, papauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ng biglang tumawid ang aso, dahilan ng kanyang pagka aksidente at nagtamo ng mga pinsala sa kanyang katawan.

Facebook Comments