Isang patunay, na ang kahirapan ay hindi kailanman hadlang sa pagkamit ng tagumpay. Ito ang ipinamalas ni Geraldine D. Balgoa mula sa Barangay Magsaysay, Alaminos City na nagtapos bilang CUM LAUDE sa kursong Bachelor of Elementary Education.
Si Geraldine ang kauna-unahang degree holder sa kanilang pamilya at kabilang sa mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4Ps) sa lungsod na buong puso’t tiyagang nagtaguyod sa edukasyon sa kanilang limang magkakapatid.
Sa kabila ng mga hamon sa buhay, patuloy na nagsumikap si Geraldine, upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap.
Pinanghawakan nito ang kanyang paniniwalang “God will provide”, at bitbit ang inspirasyon ng kanyang pamilya, ang sakripisyo ng kanyang mga magulang, at ang pag-asa ng bawat kabataang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral.
Ang tagumpay ni Geraldine Balgoa, ay isang huwaran ng determinasyon at dedikasyon, at nagbibigay-inspirasyon sa marami nating kababayan. Lalo na sa mga kabataang patuloy na nagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣