Dalagitang Pinay, nasawi sa Italy matapos mabangga ng tren

Isang 17-anyos na dalagitang Pinay ang nasawi matapos mabangga ng tren sa Milan, Italy.

Nabatid na ang naturang Pinay ay naisugod pa sa San Gerardo Hospital sa Monza subalit binawian ng buhay.

Napag-alaman na tumatawid ito sa riles ng tren sakay ng kanyang scooter at kasama ang magulang nang mabangga ng tren.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng biktima ang Philippine Consulate General sa Milan.

Umapela rin sa Filipino community ang Konsulada ng Pilipinas na ipagdasal ang biktima.

Facebook Comments