Dalas ng pagharap sa media ni PBBM, nasa desisyon na ng Chief Executive ayon sa Malacañang

81

Nasa pasya na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung gaano magiging kadalas ang gagawing pagharap nito sa media.

Sagot ito ni Press at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles nang matanong sa kung gaano kadalas ang posibilidad na makausap at tumanggap ng mga tanong sa media si President BBM.

Sinabi ni Secretary Angeles, kung may mga usapin na sa tingin ng Chief Executive ay dapat direktang sagutin o ihayag ito sa media ay gagawin ito ng pangulo.


Depende na lang sa sitwasyon ayon kay Angeles kung paano ang magiging paraan ng pangulo sa pagharap sa mga mamamahayag.

Hindi aniya nila masasabing magkakaroon ng regular na pakikiharap ang Chief Executive sa reporters at ang desisyon dito ayon sa kalihim ay nasa diskresyon talaga ng pangulo.

Facebook Comments