Dalawa arestado kabilang ang isang estudyante matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad

32

Arestado ang isang estudyante kasama ang kasabwat nito matapos mag-sagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Baarangay Bangkal, Makati City.

Nakuha mula sa mga suspek ang mahigit 100 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso.

Narekober din ang kalibre .45 na baril at mga bala na nabili lamang umano ng estudyante sa halagang 5, 000 piso.

Nahaharap sa kasong Illegal Possesion of Firearms and Ammunition at kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments