Dalawa, arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Las Piñas City

54

Kalaboso ang isang 41-anyos na babae at kaibigan nitong lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa may Palace St., Brgy. Talon 1, Las Piñas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Joan Ruga na residente ng Pilar Village sa Las Piñas at Sauda Zacaria na taga-Lower Bicutan, Taguig City.


Unang nagsagawa ng Anti-Criminality Operation ang Las Piñas City Police Station sa Barangay Talon 1 kung saan nasita ang dalawa dahil sa walang suot na face mask.

Napansin din ng mga otoridad na tila natataranta ang dalawa kung kaya’t nang tanungin at kapkapan ay dito na nakita ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na halos 10 gramo at nagkakahalaga ng ₱68,000.

Agad na dinala sa custodial facility sa Las Piñas City Police Station ang dalawang nadakip na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 11332 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments