Dalawa arestado sa buybust operation sa Caloocan; mahigit P270k na halaga ng shabu, nasabat

21

Natimbog ang dalawang babaeng tulak ng droga  sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA at Caloocan City Police sa BMBA Compound, Barangay 120, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Cecille gamboa, 37 anyos at Miya Balino, 20 anyos.


Agad na inaresto ang dalawa matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa asset ng mga otoridad.

Narekober mula sa mga suspek ang ginamit na buy-bust mone at sampung sachet ng hinihinalang shabu na may estimate street value na P272,000.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Repulic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments