Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Sta. Ana, Maynila

25

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang naaresto na si Vergel Cadapan at kasabwat nito na si Andrew Bulatao.

Ikinasa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District Station-6 matapos makumpirma ang impormasyon na talamak na nagbebenta ng droga si Cadapan.


Nasakote si Cadapan at Bulatao sa may bahagi ng Zobel Roxas Street malapit sa kanto ng Tejeron Street sa Sta. Ana, Manila partikular sa Brgy. 783, Zone-85.

Nakuha sa kanila ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na isang gramo at nagkakahalaga ng ₱6,800.00.

Aminado si Cadapan na nagbebenta para may pagkakitaan habang todo tanggi naman si Bulatao sa mga akusasyon saka sinabing bumibili lang din siya ng iligal na droga.



Facebook Comments