Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Sta. Ana, Maynila

Nasakote ng Manila Police District Station-6 ang isang lalaking tulak ng iligal na droga at ang parokyano nito sa ikinasang operasyon sa Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si George Duran na mas kilala sa alyas na Miz ng Old Panaderos, Sta. Ana at ang customer nito na si Teodoro Caballero.

Ikinasa ang buy bust operation ng MPD Station-6 matapos makatanggap ng tip na talamak na nagbebenta ng iligal na droga si Duran sa kanilang lugar.


Nakuha sa suspek at parokyano nito ang tatlong sachet ng shabu na may bigat ng isang gramo at nagkakahalaga ng ₱6,800.00.

Inaalam na ngayong kung sino ang supplier ni Duran ng iligal na droga at kung sino-sino ang mga kasabwat nito sa pagbebenta.

Facebook Comments