Dalawa, arestado sa pagtutulak ng shabu sa Tondo, Maynila

30

Kalaboso ang dalawang indibidwal matapos masakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Manila Police District (MPD) Station-7 dahil sa iligal na droga.

Nakilala ang mga tulak ng shabu na sina Rommel Mananghaya at Monica Glenda Andal na kapwa residente ng H. Lopez Street, Balut, Tondo.

Nasakote ang dalawa sa may bahagi ng Tayuman kanto ng G. Perfecto Street sa Tondo.


Nakuha sa kanila ang limang sachet shabu na may bigat ng halos 25 gramo at nagkakahalaga ng ₱170,000.00.

Aminado si Mananghaya na nagbebenta ng shabu dahil sa walang makuhang matinong trabaho habang todo tanggi si Andal sa mga akusasyon saka iginigiit na gumagamit lamang daw siya ng iligal na droga.

Facebook Comments