Dalawa pang ferry station, binuksan na

21

Inihayag ng Metro Manila Develoment Authority (MMDA) na operational na ang Hulo Ferry Station sa Mandaluyong City at ang Sta. Ana Ferry Station sa Maynila simula kahapon ng umaga.

Ito ay bahagi ng unti-unting pagbabalik sa operasyon ng ferry service ngayong panahon ng pandemya.

Sa abisong inilabas ng MMDA Pasig River Ferry Service, tuloy-tuloy pa rin na libre ang pagsakay sa ferry system mula Lunes hanggang Sabado, alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

Mula sa 11 ferry station, sa kasalukuyang aabot na sa walong istasyon ang bukas.

Bukod sa bagong bukas na Hulo at Sta. Ana stations, operational na rin ang mga stations sa Pinagbuhatan Pasig City, San Joaquin sa Pasig City, Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, Lawton at Escolta Manila.

Facebook Comments