Dalawa pang pulis na sangkot sa kidnapping-extortion sa isang negosyanteng babae, kusang sumuko

Manila, Philippines – Kusang sumuko na din ang dalawang pulis na sangkot sa kidnapping-extortion sa isang negosyanteng babae sa Malabon City.

Kinilala ni Senior Superintendent Jose Chiquito Malayo, Chief of the Philippine National Police’s Counter Intelligence Task Force (CITF), ang dalawang pulis na si PO3 Bernandino Pacoma ng Civil Security Group at SPO2 Gerry Dela Torre ng Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon kay malayo, alas-10:30 kaninang umaga ng sumuko ang dalawang pulis matapos na unang sumuko ang limang kasamahan ng mga ito na sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon Jr., PO2 Michael Huerto, PO1 Jovito Roque at PO1 Rikcy Lamsen na kasalukkuyang nasa kustodiya ng National Capital Region Police Office.


Nabatid na ang pitong pulis ay kasabwat ng apat pang pulis Malabon na siyang kumidnap at nanghingi ng pera sa negosyanteng si Norma De Guzman Adrales noong Mayo-a-bente.

DZXL558

Facebook Comments