Dalawa pang seafarers na sakay ng barkong dumaong sa Pilipinas mula India, na-ospital

Dalawa pang seafarer mula sa isang container ship na dumating sa Pilipinas mula India ang isinugod sa ospital.
Ayon kay Captain Jeffrey Solon, officer-in-charge ng Marina Office of the Deputy Administrator for Planning, nakaranas ang dalawang crew ng hirap sa paghinga matapos bumaba ang kanilang oxygen level.
Pero stable na aniya ang kanilang kondisyon at hindi naman ikinonsiderang kritikal.

Sa kabuuan, apat na mula sa 12 seafarers ng MV Athena Bridge na nagpositibo sa COVID-19 ang naka-confine sa ospital.
Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng pagsusuri ng Philippine Genome Center ukol sa kung anong variant ng COVID-19 ang tumama sa kanila.
Facebook Comments