Dalawa pang tulay sa Marawi City, nabawi ng militar

Marawi City – Tuluyan ng nabawi ng militar ang ilang tulay mula sa teroristang grupong Maute.

Alas-10 ng umaga nitong Linggo, tinawid ng mga sundalo ang Bayabao Bridge sa Bangolo at Masiu Bridge sa Raya Madaya.

Ayon kay Deputy Commander Col. Romeo Brawner ng Joint Task Group Ranao, malaking bagay ang pagkakabawi sa mga tulay na nagdudugtong sa dalawang bahagi ng Marawi City.


Dahil dito, mauumpisahan na aniya nila ang susunod na hakbang sa kanilang operasyon.

Facebook Comments