Dalawa pang U-turn Slots sa EDSA, isasara ng MMDA sa November 23

36

Isasara Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawa pang U-turn slots sa kahabaan ng EDSA.

Batay sa abiso ng MMDA, simula sa lunes, Nobyembre 23 ay sarado na ang U-turn slots malapit sa Oliveros Drive at Balintawak Market.


Kaya naman ang mga motoristang gumagamit sa naturang U-turn slot ay maaaring gamitin ang mga alternatibong ruta.

Kung galing Northbound papuntang Southbound, ang mga apektadong motorista ay liliko na sa Balintawak Interchange, General Malvar/Bagong Barrio.

Kapag galing naman ng Southbound papuntang Northbound, nasa Quezon Avenue service road ang U-turn slot.

May mga alternatibong ruta rin sa pagitan ng North Avenue at Manila Central University sa Monumento.




Facebook Comments