Dalawa patay matapos na maaksidente sa motorsiklo

27

Ibajay, Aklan – Dalawa ang patay matapos na maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kahapon sa Brgy. Regador, Ibajay, Aklan. Ang mga biktima ay kinilalang sina Joey Bandiola Bangcaya, 37-anyos, driver, residente ng Brgy. Aparicio at si Rustom Batoy Baliejo, 23-anyos, backrider. Ayon kay PCpl. Escalaga ng Ibajay PNP, na nakatangap sila ng tawag galing kay Punong Barangay Felix Tumampil ng Brgy. Regador na merong nangyaring aksidente at sa kanilang imbestigayon lumalabas na galing ang dalawa Brgy. Regador kumuha ng mga seedlings na itatanim at habang pabalik na sila Cabugao, pagdating sa pababa na bahagi ng kalsada ay nawalan ng preno ang sinasakyang motorsiklo at nawalan na rin ng control ang driver. Dahil dito ay nag dire-diretso ang motorsiklo at sumalpok sila sa puno ng mahogany. Dead on the spot ang driver na si Bangcaya matapos magtamo ng fatal na pinsala sa ulo habang si Baliejo ay nadala pa sa hospital pero binawian din ng buhay.

Facebook Comments