Dalawa sa 1,200 mga bilanggong tinamaan ng diarrhea sa Muntinlupa jail, namatay na

119

Manila, Philippines – Pumanaw na ang dalawang sa mahigit 1,200 bilanggo ng New Bilibid Prisons na tinamaan ng diarrhea.

Ayon kay Dr. Ma. Lourdes Razon, Officer in Charge sa NBP hospital, ang dalawang lalaking preso ay na may diabetes type 2 ay namatay dulot ng dehydration, at hypovolemic shock.


Sinabi naman ni Bureau of Corrections Deputy Director General for Operations Rene Orbe, na dalawang bagay ang tinitignan nilang pinagmulan ng outbreak.

Aniya, posibleng galing ito sa kontaminadong tubig o sa pagkain.

Giit naman ng abugado ng mang kiko catering services incorporated Atty. Alvin Navarro, malinis ang mga pagkain na kanilang nirarasyon sa bilibid.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BUCOR kung nagkaroon ng foul play sa insidente.




DZXL558

Facebook Comments